Buntis na muli si Kristine Hermosa, 40-anyos, para sa ika-anim na anak nila ni Oyo Boy Sotto.

Ibinahagi ng dating aktres ang masayang balita sa kaniyang Instagram.

Ayon kay Kristine, hangad niya talaga na muling magbuntis.

“Funny as it may seem, but I still get those butterflies every time I see double lines on the PT (pregnancy test),” saad niya sa post.

“Kahit pa na ang dami na nila, parang laging 1st time.. iba’t ibang level ng overwhelming emotions each stage of every pregnancy,” patuloy niya.

Sinabi rin ng dating aktres na kakaibang ligaya ang nadarama niya kapag nadidinig ang heartbeat ng baby.

“Iba lang talaga ang peace and joy pag galing kay God,” ayon pa kay Kristine.

 

 

Ikinasal sina Kristine at Oyo noong 2011, at adopted ang kanilang panganay na anak na si Kiel.

Mayroon din silang apat na anak na sina Ondrea, Kaleb, Marvin, at ang bunso na si Vittorio Isaac, isinilang noong 2021.-- FRJ, GMA Integrated News