Inanunsyo ng AirAsia ang kanilang "piso sale" ngayong 2024 na puwedeng magpa-book hanggang sa February 25.

Sa Facebook post ng nasabing budget airlines, nakasaad na mayroong 336,780 total seat ang available sa kanilang pakulo na ang travel period ay mula September 1, 2024 hanggang sa June 18, 2025.

"Book from as low as PHP 1 one-way base fare to select AirAsia flights. #LFG: Let's Fly & Go!," saad nito sa post.

Kabilang sa hanggang P1 one-way base fare ang destinasyon mula Manila patungong Iloilo, Cebu, Davao, Cagayan de Oro, Bacolod, Caticlan, at Puerto Princesa, Palawan.

Mayroon din silang alok na one-way base fare na P1 mula Manila patungo sa ilang destinasyon sa China.

Gayundin ang iba pang biyahe na mula P711 sa Macao, hanggang P2,711 sa Tokyo, Japan.

"See airasia.com for details," saad pa sa post. -- FRJ, GMA Integrated News