Pinusuan ng netizens ang mga alagang aso ng isang dog groomer, na ginayakan niya ng Panda at Pikachu sa Cebu City.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak, na iniulat din sa Unang Balita nitong Miyerkoles, makikita ang pagiging todo-ayos ni Cesar Escarilla sa ilan niyang fur baby.

Mistulang Panda ang anyo ng dalawa niyang Chow Chow. Samantala, kinulayan niya naman ng dilaw kaya mistulang Pikachu ang isa pa niyang alagang aso.

Ayon kay Escarilla, ligtas ang ginamit niyang dye color sa kaniyang mga fur baby para sa Bond With Your Dog Day celebration. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News