Pambihira ang kuwento ng katatagan ng isang miniature Dachshund na si "Valerie," na nagawang mabuhay na mag-isa sa isang isla sa Australia sa loob ng mahigit isang taon. Nangyari ito nang isama ng kaniyang mga amo ang aso para mamasyal sa isla pero nakawala siya at nawala.Sa ulat ng GMA Integrated Newsfeed, sinabing November 2023 nang magbakasyon ang fur parents na sina Josh at Georgia sa isla at isinama nila si Valerie.Ngunit habang nasa beach ang mga amo, nakawala sa kaniyang kulungan si Valerie at napunta sa masukal na bahagi ng gubat sa isla.Pitong araw na hinananap si Valeire pero hindi siya nakita. Hanggang sa kinailangan nang umalis ng isla nina Josh at Georgia at hindi na nila nakita ang kanilang alaga.Pero nito lang nakaraang Marso, may nag-report na may nakitang Dachshund sa isla na may pink collar."Undoubtedly out there, in the 16 months or whatever, she would've gone through a lot. Hash winters, which we didn't want to happen again, summers, not being able to find water," ayon kay Lisa Karran, director ng Kangala Wildlife Rescue.Kaagad na isinagawa ng Kangala ang rescue operation para kay Valerie, at hindi naman sila nabigo, at hindi rin naman naging madali ang pagkuha sa kaniya.Sa tulong ng mga food box na naging pang-akit kay Valerie para lumabas, siya na mismo ang lumapit sa rescue area.Ngunit dahil mahigit isang taon na siya sa wild na mag-isa, hindi naging madali na malapitan si Valerie na lubhang naging mailap na.Kaya naman nag-isip ng panibagong taktika ang rescue team. Naglagay sila ng trap site na nilagyan nila ng mga laruan at higaan na mula sa bahay ng mga kaniyang fur parents. Isama rin doon ang damit ng kaniyang fur mom.Naging epektibo ang taktika dahil regular nang nagpupunta sa trap site si Valerie. Makalipas pa ang isang buwan, matagumpay na siyang nakuha."Valerie has been secured, she's safe and sound after what was a roller coaster rider. It was a long tough battle," ayon kay Jared Karran, director ng Kangala Wildlife Rescue.Umabot sa 529 na araw na nanirahan na mag-isa sa wild si Valerie.Pansamantala siyang inaalagaan ng Kangala para masanay muli sa pagiging domestic animal bago siyang ibalik sa kaniyang fur parents. -- FRJ, GMA Integrated News