Kadalasang nagiging “drawing” o hindi natutuloy ang ayaan ng magkakaibigan na mag-outing dahil sa mga tropang may kaniya-kaniyang dahilan. Pero ang isang grupo ng magkakaibigan sa Puerto Princesa, Palawan, natuloy ang biglang ayaan na magpalamig sa ilog pero ang ilog naman ang naging “drawing.”

Dahil mainit ang panahon, ikinuwento ni  YouScooper Sherlyn Rivas, na nagkaayaan sila ng iba pa niyang kaibigan na sina Blith Angel Patnongon at Michelle Decierto, na magpunta sa Irawan River upang maligo at magpalamig.

"Sa sobrang init ng panahon, biglang nag-chat si Michelle [na] maligo sa ilog doon sa Irawan, since nakaligo na po siya doon last month. And before kami pumunta, nagtanong po muna kami kung may tubig sa isang kakilala and sabi meron naman daw po kaya pinuntahan namin," ani Rivas.

Sa kabila ng mainit na panahon, tiniis nilang maglakad ng hanggang 15 minuto patungo sa ilog. Pero habang papalapit na sila sa ilog, may nagsabi sa kanila na wala itong tubig.

Gayunman, to see is to believe ang naging motto ng magkakaibigan kaya ipinagpatuloy nila ang paglalakad. At nang marating nila ang ilog, wala silang nakitang tubig kundi mga bato.

Natuyo umano ang ilog dahil sa sobrang init.

"Mag-outing tayo walang ilog?" anang magkakaibigan. 

Sa kabila ng nangyari, pinili na lang ng magkakaibigan na magpahinga at mag-picnic sa lugar.

Ang ilang netizens, naaliw sa kuwento ng magkakaibigan, at may nagkomento na, "'Yung tubig naman ngayon yung drawing."

 

@gurrrrrla HAHHAHAHAHAHHAA natuloy ang outing pero wala ng tubig sa ilog😭😭😭😭😭 @ANGEL @Iris ♬ original sound - ghorrl

 

FRJ GMA Integrated News