Patuloy ang isinasagawang pagsusuri at isinailalim sa "test flight" sa Dubai ang tila dambuhalang drone na kayang magsakay ng dalawang tao na planong gawing "flying taxi" sa hinaharap.

 

(REUTERS/Satish Kumar)

Sa ulat ng Reuters, sinabing hindi nalalayo ang binabalak na flying taxi sa isang two-seater helicopter at mayroon itong 18 propeller.

Puspusan ang pagsusuri sa kakaibang sasakyan na gawa ng German drone firm na Volocopter para matiyak na ligtas itong sakyan na balak na mailunsad sa susunod na limang taon.

 

(REUTERS/Satish Kumar)

Sa isinagawang test flight nitong Lunes, lumipad na walang sakay ang future flying taxi sa layong 200 metro at sa tagal ng limang minuto. -- FRJ, GMA News