Isang baka ang isinilang sa Zamboanga City ang nagmistulang gagamba ang histura dahil sa walo ang paa nito at dalawa ang ulo.



Sa ulat ng GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Miyerkules, makikita ang mga labi ng baka na dalawa ang katawan pero magkadikit sa puwetan.

Ayon sa may-ari ng naturang baka na si Roderick Salvador, ito ang unang beses na nakakita sila ganitong baka sa lugar.

Sabi naman ng isang beterinaryo, posible umanong may nakain ang inang baka ng damong may pesticide kaya hindi naging fully-developed ang mga anak nito.

Kaagad daw namatay ang baka nang isilang. --FRJ, GMA News