Isang dambuhalang buwaya ang nahuli sa bayan ng Simunul sa lalawigan ng Tawi-Tawi.

Iniulat ng "Unang Balita" nitong Huwebes na nagkagulo ang mga residente nang maispatan ang buwaya sa may dalampasigan.

Nahuli ang buwaya na may habang tinatayang mahigit 18 talampakan.

Ayon sa ulat, dadalhin ang hayop sa tourism office ng Simunul.

Noong Setyembre ng taong 2017, nahuli rin sa naturang bayan ang isang higanteng buwaya. —LBG, GMA News