Dahil sa pag-ulan na dulot ng bagyong Maring at pinalakas pa ng Habagat, itinali na kisame ng bahay ang isang kabaong na pinaglalamayan sa Palawan para hindi abutin ng baha.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Martes, ikinuwento ni Sheryl Tagyam, na umabot ng hanggang sa dibdib ang taas ng baha sa kanilang lugar.

Naging malakas daw ang buhos ng ulan kaya madaling tumaas ang tubig sa ilog.

Hindi raw iniwan ng pamilya ang kabaong at umaasa sila na magiging maganda na ang panahon sa araw ng libing ng kanilang kaanak. --FRJ, GMA News