Kinagigiliwan ng netizens ang isang Shih Tzu dahil sa pagiging certified daddy's girl nito. Ang aso, todo sa pag- iwas na ma-kiss ng kaniyang fur mom, pero game na game naman sa kiss ng kaniyang fur dad.

Sa ulat ng GTV news Balitanghali nitong Martes, itinampok ang Shih Tzu na si "Octavia" sa Bocaue, Bulacan, na tila pinag-aagawan ang atensyon ng kaniyang Mommy Kim at Daddy Daryl.

Mapanonood sa video na sweet at tender kiss ang alok ni Mommy Kim, pero tila umiiwas si Octavia at ayaw pang tumingin.

Pero nang si Daddy Daryl na ang sumubok na mag-kiss, bet na bet ito ng aso at may pagpikit pa.

Humirit pa ng isang beses si Mommy Kim pero parehas pa rin ang resulta na ayaw pa rin ni Octavia na magpahalik sa kaniya.

Kaya ang judgement ng netizens, certified daddy's girl si Octavia. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News