Patay ang isang lalaki sa Pagadian City, Zamboanga del Sur nang pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Nakilala ang biktima na si Ricky Castro Jr., ayon sa ulat ni Darlene Cay sa Unang Balita ng GMA News nitong Miyerkoles.

Nagpapahinga raw sa waiting shed ang biktima nang may dumating na dalawang lalaki at agad na pinagbabaril ito.

Anim na bala ang natagpuan sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Napahagulgol na lang ang ina ng biktima sa sinapit ng anak.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang pangyayari. Isa sa mga anggulong tinitingnan ay love triangle na umano ay kinasangkutan ng biktima. —KG, GMA News