Nauwi sa paluan ng tubo at batuhan ang away ng magkapitbahay sa San Jose del Monte, Bulacan, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Ayon sa uploader, nag-ugat ang away sa pagsusunog ng goma.

Hindi na raw nakatiis sa usok ang kanyang ina at kinumpronta nito ang kapitbahay na nagsusunog.

Matapos ang palitan ng masasakit na salita, doon na raw sila sinugod ng mag-amang kapitbahay at pinalo ng tubo ang kanyang mga magulang.

Duguan ang mag-asawa.

Inireklamo na sa barangay ang mag-ama na hindi na ngayon mahagilap. —KBK, GMA News