Bunga pa rin ng epekto ng Habagat, nagpalabas ng isang memorandum circular ang ang Malacañang nitong Lunes na nag-uutos na ilipat sa alternatibong work arrangement para sa mga kawani ng gobyerno, maging ang pasok sa mga paaralan sa ilang lalawigan sa Luzon sa Martes, Setyembre 1, 2026.

Sakop ng Memorandum Circular No. 133 ang mga sumusunod na lalawigan:

  • Ilocos Norte
  • Ilocos Sur
  • La Union
  • Pangasinan
  • Abra
  • Benguet
  • Kalinga
  • Mountain Province
  • Apayao
  • Batanes
  • Nueva Vizcaya
  • Zambales
  • Tarlac
  • Pampanga
  • Bataan

Magpapatuloy naman ang operasyon ng mga ahensiyang nangangasiwa sa pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo at serbisyong pangkalusugan, paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad, at iba pang mahahalagang serbisyo, ayon sa circular.

Ipinauubaya naman sa mga pamunuan ng pribadong sektor ang pasya kung magsususpinde rin ng trabaho o pagpapatupad ng alternatibong work arrangements sa kanilang mga manggagawa. – FRJ GMA News