Nauwi sa pamamaril ang pagtatalo dahil sa pagparada ng sasakyan sa gilid ng kalsada sa Hinigaran, Negros Occidental. Tatlo katao ang sugatan sa insidente, kabilang ang isang batang pitong-taong-gulang.
Sa ulat ng GMA Regional TV Ratsada Balita nitong Lunes, sinabing nangyari ang insidente sa Barangay Dos, na ayon ay pulisya at nag-ugat dahil sa nakaparadang sasakyan sa gilid ng daan na pinauusog ng suspek upang makadaan siya.
Pero humantong sa mainit na pagtatalo ang magkabilang panig, hanggang sa kumuha ng baril ang suspek at nagpaputok. Tinamaan ang mga biktima na magkakamag-anak, at dinala sila sa ospital.
“Batay sa aming imbestigasyon, nagsimula ang insidente sa pagparada ng sasakyan sa gilid lamang ng kalsada. Hiniling ng ating suspek na ilipat nang kaunti ang sasakyan ng biktima. Subalit tila nagkaroon sila ng masasakit na salita,” ayon kay Police Lt. Col. Jovil Sedel, hepe ng Hinigaran MPS. – FRJ GM News
