Inararo ng isang pribadong bus nitong Linggo ng umaga ang ilan sa mga bagong concrete barrier na inilagay sa EDSA sa Cubao, Quezon City.

Nangyari ang aksidente sa EDSA busway sa mismong lugar kung saan naaksidente at nasawi ang tatlong miyembro ng Philippine Air Force noong nakaraang linggo, ayon sa ulat ni Luisito Santos sa Super Radyo dzBB.

Naglagay ng bagong mga concrete barrier ang Metropolitan Manila Development Authority matapos ang aksidente.

Ang mga bagong concrete barrier ay may LED lights para mas madali raw makita. —KG, GMA News