Nasawi ang isang lalaking maniningil sana ng utang matapos siyang pagsasaksakin ng suspek sa loob pa man din ng barangay hall sa Malinao, Aklan.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, makikita sa CCTV footage na nakaupo ang biktima sa loob ng barangay hall at hinihintay ang lalaking may utang sa kaniya ng P2,000.

Pero nang dumating ang suspek, sa halip na magbayad ay inundayan niya ng saksak ang biktima.

Tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo pero naaresto rin siya ng mga awtoridad. Hindi siya nagbigay ng pahayag.—FRJ, GMA Integrated News