Isang 11-anyos na batang lalaki ang nasawi matapos siyang saksakin ng kaniyang tiyuhin na nag-amok sa Manjuyod, Negros Oriental. Ang kaniyang 16-anyos na kapatid, nasaksak sa tiyan at sugatan naman.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, lumabas sa imbestigasyon na nanananghalian noon ang nasawing biktima, nakatatanda niyang kapatid, at apat pang bata sa bahay ng kanilang lolo nang mag-amok ang suspek.
Dead on the spot ang biktima matapos masaksak sa tiyan.
Umuwi naman ang suspek, pero nakitang wala nang buhay matapos magpatiwakal umano.
Sinabi ng pulisya na posibleng nagalit ang suspek dahil ayaw umanong ibigay ng mga biktima ang contact number ng nakipaghiwalay na asawa ng suspek. — Jamil Santos/ VDV GMA News
