Dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo ang nasawi matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis na humabol sa kanila matapos na umiwas sa checkpoint sa Barangay Western Bicutan sa Taguig.
Sa ulat ni Luisito Santos sa Super Radyo dzBB nitong Huwebes, sinabing nagsasagawa ng Oplan Sita kaninang umaga ang mga pulis sa bahagi ng Purok Uno nang mamamataan ang dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo.
Lalapitan umano ng mga pulis ang dalawa para isailalim sa beripikasyon pero tumakas ang mga ito sakay ng motorsiklo.
10 employer sa Taguig City, inisyuhan ng Notice of Violation ng SSS dahil sa hindi umano pagbabayad ng obligasyon sa kanilang mga empleyado. | via @luisitosantos03 https://t.co/iQ4T21Q8jC
— DZBB Super Radyo (@dzbb) October 22, 2026
Dito na hinabol ng mga awtoridad ang dalawa na nauwi umano sa engkuwentro na ikinasawi ng mga suspek.
Napag-alaman na isa sa mga suspek ay sangkot sa kaso ng bigong pagpatay noong Setyembre at iniuugnay sa isang gang.
Samantalang inaalam naman ang pagkakakilanlan ng isa pang nasawi. – FRJ GMA News

