Tinapos na ng Senado ang deliberasyon nito para sa panukalang pambansang badyet na P7.2 trilyon para sa susunod na taon.
Sa isang pahayag sa Facebook page nitong Sabado, inanunsyo ng mataas na kapulungan na natapos na nito ang marathon na deliberasyon sa panukalang badyet “after days of rigorous plenary debate.”
Sinabi ng Office of Senate President Sherwin Gatchalian na natapos ang mga deliberasyon bandang 1:25 ng umaga.
Sa mga deliberasyon nito, sinabi ng Senado na isinulong nito ang mga panukalang badyet ng mga pangunahing institusyon ng gobyerno, gaya ng:
- Kongreso ng Pilipinas - P27.89 billion
- Judiciary - P84.132 billion
- Department of National Defense - P326.9 billion
- Department of Health - P378.629 billion
- Department of Public Works and Highways - P587.9 billion
- Department of Agriculture - P175 billion
- Commission on Higher Education (CHED) - P38.821 billion
- Department of Migrant Workers - P11.894 billion
Idinagdag ng Senado na sumasaklaw din sa mga deliberasyon nito ang peace, social, at regional development offices, kabilang ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) na nilaanan ng halagang P9.304 bilyon; National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ng halagang P1.738 bilyon; Marawi Compensation Board (MCB) ng halagang P1.247 bilyon; National Amnesty Commission (NAC) ng halagang P266.6 milyon; Commission on Filipinos Overseas (CFO) ng halagang P187.8 milyon; at Metropolitan Baguio City, La Trinidad, Itogon, Sablan, Tuba, at Tublay Development Authority (MBLISTTDA) ng halagang P45.4 milyon.
Idinagdag ng mataas na kapulungan na tinanggap nito ang mga iminungkahing alokasyon para sa iba pang mga tanggapan ng ehekutibo, kabilang ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng halagang P8.514 bilyon; National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ng halagang P3.086 bilyon; National Security Council (NSC) ng halagang P1.122 bilyon; Anti-Money Laundering Council (AMLC) ng halagang P335 milyon; Film Development Council of the Philippines (FDCP) ng halagang P311 milyon; Philippine Racing Commission (Philracom) ng halagang P202.8 milyon; Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng halagang P69.742 milyon; Optical Media Board (OMB) ng halagang P53.462 milyon; at iba pang mga ahensiya. —VBL GMA News

