Matapos imungkahi ni Sen. Cynthia Villar na ipagbawal na ang unlimited rice sa mga kainan, maraming netizen ang naglabas ng sama ng loob sa pamamagitan ng mga nakakatawang meme.
Beastmode ang karakter ni Georgia mula sa seryeng Ika-6 na Utos sa rice ban.
"Ipinagbabawal na ni Sen. Cynthia Villar ang unli rice"
— Ivan? (@IvanUngui) June 14, 2017
People of the republic of the philippines: pic.twitter.com/gr5dsIhFoY
Maging si Batman, hindi rin naitago ang pagka-inis:
Mang Inasal be like...#UnliRice pic.twitter.com/FbEKB7EKzR
— Charlene Dabon (@amazinglychao) June 14, 2017
Si Miss Piggy, may banta pa sa senadora.
I just want to do this to Cynthia Villar. #UnliRice pic.twitter.com/dyFP2LRxc2
— Zoe (@Wild0rchidz) June 14, 2017
Tumugon naman si Senator Cynthia Villar ng meme na nagsasabing, 'Kalma lang.'
Inuulit ko lang po, wala po akong balak ipagbawal o ipa-ban ang #unlirice. Wala pong #unliriceban pic.twitter.com/vxnp2ReBVd
— Cynthia Villar (@Cynthia_Villar) June 15, 2017
Sa pahayag ni Villar sa GMA News “Unang Hirit”, hindi niya umano balak maghain ng panukalang batas para ipagbawal ang unlimited rice, bagkus, nagpahayag lang siya ng opinyon na masama sa kalusugan ang pagkonsumo ng masyadong maraming puting kanin.
“It's a side comment tungkol sa consumption ng rice at hindi po namin pinag-uusapan na iba-ban ang unlimited rice,” sabi ni Villar. — Jamil Santos/MDM, GMA News
