Nagsuntukan ang dalawang tricycle driver sa Maynila dahil sa pila sa terminal.

Ayon sa ulat in Marisol Abduraman sa “24 Oras,” nangyari ang eksena na nakunan ng CCTV camera sa Barangay 306, Quiapo, Maynila.

“Napatakbo kasi dito [sa barangay] tong mas malaki. Eh ayaw nyang patulan 'yung mas matanda. Kaya lang, sinusuntok siya kaya napilitan na siyang dumepensa,” ani Kagawad Jay Dowell ng Brgy. 306.

Ayon kay Henry na siyang mas matangkad sa kasuntukhang si Ramon, pumaparada lamang siya sa terminal ngunit pinagbawalan siya ni Ramon na isa ng senior citizen. Dadgdag pa ni Henry, si Ramon ang naunang nanakit dahil tinulak nito ang kanyang ulo.

Sagot naman ni Ramon, si Henry ang dapat sisihin dahil inunahan niya si Ramon sa pwesto sa garahe.

Natigil naman ang nag-iiringang mga driver nang sila ang awatin ng mga taga-barangay at nagkapatawaran rin ang dalawa. — Llanesca Panti/ LDF, GMA News