Nalunod ang isang taong gulang na batang babae matapos siyang mahulog sa hukay ng National Grid Corporation of the Philippines sa Buhi, Camarines Sur.

Ikinuwento ng ina ng bata na inililigpit na niya noon ang kanilang pinagkainan pero  hindi niya napansing lumabas ng bahay ang anak, ayon sa ulat ng GMA News TV "QRT" nitong Miyerkoles.

Umabot ng ilang oras ang paghahanap sa bata bago dumating ang balitang nahulog ito sa hukay malapit sa kanilang bahay.

Wala nang buhay ang bata nang maiahon sa hukay.

Giit ng ina, walang harang ang hukay na pinagtatayuan ng pundasyon ng tore ng NGCP. Pero dumepensa ang trabahador sa hukay at sinabing may harang sa paligid nito.

Umalis lang saglit noon ang mga manggagawa at hindi nila napansing may batang naglalaro malapit sa hukay.

wala pang pahayag sa insidente ang NGCP pero sabi ng ina ng bata, nakausap na nila ang foreman at handang magbigay ng tulong pinansyal ang NGCP.