Dalawa ang kumpirmadong patay matapos bumagsak ang isang gusali ng Hotel Sogo sa Maynila nitong Lunes ng umaga.

Ayon sa ulat ni Sam Nielsen ng Super Radyo dzBB, ang dalawang manggagawa na nasawi ay sina Melo Izon at Jeremoe Fabello.

Nakuha ang labi ni Izon pasado alas-3 ng hapon. Ito'y dinala sa Ospital ng Maynila.

Kinukuha pa ng emergency workers ang labi ni Fabello sa hotel. Nabagsakan siya nbg malaking piraso ng semento.

Labing siyam na mga manggagawa ang nakaligtas sa insidente.

May dalawang buwan na rin daw na dini-demolish anggusali.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, aalamin ng pamahalaang panglungsod kung sino and dapat managot sa pagguho. —NB, GMA News