Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Senador Sonny Angara. Siya na ang ikatlong senador sa bansa na tinamaan ng mapanganib na virus, at inabot ng 10 araw bago niya nalaman ang resulta ng kaniyang COVID-19 test.

"I regret to announce that today, March 26, I received my test result and it is positive for COVID-19," sabi ni Angara sa pahayag nitong Huwebes.

Ayon sa senador, nakaramdam siya ng mga sintomas ng sakit tulad ng mild fever, cough, headaches at general weakness.

READ: Lacson, Angara to also undergo self-quarantine

"I have not been in contact with the public since taking the test last March 16," sabi pa ni Angara na humingi ng dasal.

"I ask for your prayers that together we are able to pull through this tremendous challenge," dagdag ni Angara.

Una nang nagpositibo sa naturang virus sina Sens. Juan Miguel Zubiri at Aquilino "Koko" Pimentel III.--FRJ, GMA News

Tags: