Tinanggalan ng bubong at pinto ng isang landlady ang isang apartment na pinauupahan niya sa isang buntis at anak nito, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Dalawang buwan na raw hindi nakababayad ng upa ang tenant. Paliwanag ng landlady, pati siya ay problemado sa gastusin dahil sa pagpapagamot sa kaniyang mister.

Nabasa naman ang gamit ng tenant dahil umuulan noong araw na tanggalin ang kanilang bubong.

Pinabalik naman daw ng landlady ang bubong matapos kausapin ng kakilala.

Matatandaang nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag na munang maningil ng renta ngayong panahon ng quarantine dahil sa COVID-19. --KBK, GMA News