Maraming magulang ngayon ang problemado kung papaano mag-aaral via online schooling ang kanilang mga anak kung wala naman silang gadgets para maka-connect sa internet.

Alamin sa panayam na ito ng "Unang Hirit" ang mga murang smartphone, tablet at laptop na puwedeng mabili para magamit ng mga bata sa online class.

Ayon sa isang gadget expert, may smartphone na mabibili sa halagang P3,999, ang tablet naman ay nagkakahalaga sa P3,499-P5,400, at ang laptop P12,000 hanggang P17,000. Panoorin.

--FRJ, GMA News