Patay sa pamamaril ang isang lalaki sa Cubao Quezon City nitong Biyernes.

Iniulat ng Unang Balita na may mga tama ng bala sa ulo at sa likod ang lalaki na kinilalang si Alyas Toge.

Inereklamo na umano dati ng panghoholdap ang biktima.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, nakamotor ang mga bumaril sa lalaki.

Inaalam pa ng mga pulis ang motibo sa krimen. —LBG, GMA News