Bago mapatay ng pulisya, isang lalaking target ng buy-bust operation sa Santa Rosa, Laguna ay umanoy nang-hostage muna.

Ayon sa ulat ni Lei Alviz sa "24 Oras Weekend," sabi ng pulisya nang makatunog si John Paul na pulis ang ka-transkyon niya, tumakbo raw ito at nang-hostage ng ginang.

"Ginaplos niya akong ganoon, nag-ikutan kami. Nakita ko si sir may hawak na baril. Pilit ko talaga itinulak," ani ng ginang.

Nakuha ng mga awtoridad ang isang baril, 19 na satchet ng hinihinalang shabu, at pera mula sa suspek.

Samantala, ang labi nito ay dinala ng mga awtoridad sa punenarya para sa autopsy. — Joahna Lei Casilao/DVM, GMA News