Patay ang isang mag-ama sa sunog na sumiklab sa Pasig City nitong Martes ng madaling araw.

Ayon sa ulat ni Mark Makalalad ng Super Radyo dzBB sa Unang Balita, natutulog ang pamilya ni Rodolfo Eguillos, 40, nang maganap ang sunog.

Hindi na nakalabas ng bahay si Eguillos at ang kanyang 10-taong gulang na anak na lalaki.

Tatlo naman ang nasugatan.

 

 

Sumiklab ang sunog sa isang two-storey na bahay sa Villa Tupaz sa San Joaquin, Pasig ng 1:10 a.m.

Itinaas ng Bureau of Fire Protection ang unang alarma noong 1:13 a.m.

Naapula ang sunog ng 1:50 a.m.

Tinatayang aabot sa P200,000 ang damage sanhi ng sunog.

Ayon kay Fire Superintendent Douglas Guiyab, walang foul play sa insidente bagamat patuloy ang kanilang imbestigasyon. —KG, GMA News