Arestado ang dalawa umanong drug suspects sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis-Maynila madaling-araw nitong araw ng Linggo.

Iniulat ni Manny Vargas sa Dobol B sa News TV na ikinasa ang operasyon ng mga tauhan ng Manila Police District Station 11 dakong alas-tres ng umaga sa Delpan St. sa bahagi ng Binondo.

Nakuha mula sa  mga suspek ang 35 sachets ng hinihinalang shabu na umaabot sa 10 gramo, at nagkakahalaga ng P68,000.

Nahaharap sa patung-patong na kaso ang dalawa dahil na rin sa paglabag ng mga ito sa curfew bukod sa pagbebenta ng iligal na droga. —LBG, GMA News