Huli ca CCTV ang pambubugbog ng tatlo umanong shoplifter sa sumita sa kanilang service crew ng isang convenience store sa Quezon City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Kita rin sa CCTV kung paano kinuha ng isa sa mga suspek ang paninda sa convenience store at ilagay ito sa kaniyang damit.

Agad namang lumapit ang service crew para sitahin ang mga suspek na umano'y nakainom hanggang sa pagbubugbugin siya ng mga ito.

Bagama't nai-report ang insidente sa otoridad, hindi na nakita ang mga suspek.

Dahil sa sakit na inabot, hindi muna makapasok sa trabaho ang binugbog na service crew.

Humihingi naman ng tulong ang pamilya ng biktima para sa ikadarakip ng mga suspek. —KBK, GMA News