Tinambangan ng mga nakamotorsiklong salarin ang opisyal ng isang marine transportation services sa Maynila kagabi.

Iniulat ng Unang Balita na nangyari ang pananambang bago mag-alas-sais ng gabi nitong Huwebes sa panulukan ng Road 10 at Mel Lopez Boulevard.

Pinaulanan ng mga salarin  na magkaangkas sa motor ng bala ang  isang AUV, na bumangga pa sa isang trailer truck.

Sugatan ang driver ng AUV at naisugod kaagad sa ospital.

Ayon sa mga awtoridad, posibleng work-related ang motibo sa pananambang dahil sa bukod sa operations manager siya, may pag-aari din itong mga barko, base  na rin sa salaysay nang kanyang kapatid.

Ligtas na sa pagamutan ang biktima. —LBG, GMA News