Isang hukom ang binaril umano ng sarili niyang clerk of court sa loob ng kaniyang opisina sa Manila Regional Trial Court nitong Miyerkules ng hapon.

Sa ulat ng Special Mayor's Reaction Team (SMaRT) ng Manila Police District, kinilala ang biktima na si Judge Ma. Theresa Abadilla, 44, ng Manila RTC Branch 45.

Isinugod ang biktima sa Manila Medical Center para sa karampatang lunas.

Idineklarang patay si Abadilla pasado alas-3 ng hapon.

Tinukoy ng pulisya ang suspek na si Amador Rabato, clerk of court.

Ayon pa sa police report, nangyari ang insidente 2:45 ng hapon sa ikalimang palapag ng Manila City Hall.

Kasalukuyang iniimbestigahan pa ang insidente.—Jamil Santos/AOL, GMA News