Nagtamo ng mga sugat ang isang 12-taong gulang na lalaki matapos sumabog sa kaniyang mukha ang napulot niyang whistlebomb sa Ilagan, Isabela.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado, sinabing napulot ng biktima ang hindi pumutok na whistlebomb.

Nang sindihan niya ito, hindi lumaki ang apoy sa paputok kaya hinipan niya na lang ito.

Ngunit ilang saglit lang, sumabog ang whistlebomb sa mukha ng bata.

Dinala sa ospital ang biktima, samantalang hinahanap na ng pulisya kung sino ang nagbenta ng ilegal na paputok. — Jamil Santos/DVM, GMA News