"Seven years strong!" Ganito inilarawan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang kanilang ikapitong anibersaryo bilang couple, kung saan ipinagdiwang nila ito sa pamamagitan ng isang romantic date.

Sa Instagram ni Dennis, nag-post siya ng isang video kung saan makikita na in-enjoy nila ni Jennylyn ang fine dining mula sa isang high-end restaurant.

Sa dulo ng video, naglagay ng caption si Dennis na "Seven Years Strong."

 

Bago nito, nag-post din si Jennylyn na kasama nila ni Dennis ang kanilang mga anak na sina Alex Jazz at Calix Andreas ngayong Bagong Taon.

"If 2020 taught us anything, it's to not take anything for granted.???? HAPPY NEW YEAR, BESSIES! ?? May the world become a better place for everyone this 2021!" pagbati ni Jennylyn.

 

 

Naging magka-relasyon sina Jennylyn at Dennis ngunit nagkahiwalay noong 2011.

Matapos nito, muli silang nagkabalikan noong 2015.