Huli sa CCTV ang ginawang panghahabol ng isang lalaki sa Binondo, Maynila, sa taong humablot ng kaniyang cellphone.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, makikitang nadapa pa ang snatcher nang batuhin ng kahon ng nadaanan niyang pahinante. Sa kabila nito, agad na nakatayo ang suspek at kumaripas ng takbo.

Nagtulungan ang biktima, pahinante at mga pulis sa paghahabol sa snatcher, na nahuli matapos matapilok at matumba.

Naibalik na ang cellphone sa may-ari. --KBK, GMA News