Arestado sa buy-bust operation ang isang lalaking Chinese na nagtangka pa umanong takasan ang mga pulis sa Pasay City.
Batay sa ulat ng "Unang Balita," nataranta umano ang Chinese na kinilalang si Lee Si Hui at agad sumakay sa kanyang SUV.
Ngunit, sa sobra umanong pagkataranta, bumangga ang sasakyan nito sa salamin sa kalapit na salon.
Nakuha sa suspek ang drogang nagkakahalaga ng P34,000.
Wala pang pahayag ang suspek. —LBG, GMA News
