Isang mananaya ang masuwerteng nanalo ng mahigit P246 milyon na jackpot prize sa lotto 6/58 draw nitong Biyernes ng gabi, Pebrero 12, 2021.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na isang mananaya lang ang nakakuha ng winning combination sa Ultra Lotto 6/58 draw na 24-09-32-41-29-22.

Umabot ang kabuuan premyo nito sa halagang P246,085,102.00.

Samantala, wala namang nanalo sa kasabay nitong Megalotto 6/45 draw na may winning combination  na 20-09-29-27-30-33 at mahigit P9 milyon ang premyo.-- FRJ, GMA News