Patay ang isang mag-lola sa sunog sa Barangay Addition Hills sa lungsod ng Mandaluyong madaling-araw nitong Huwebes.

Sa ulat ng "Unang Balita," sinabing ang mga biktimang mag-lola ay 55, at 13-anyos na apong babae na na-trap sa apoy sa ikatlong palapag ng bahay.

Nagsimula umano ang apoy sa 3rd Floor pasado hatinggabi at naapula ito pasado ala-una na ng madaling-araw, ayon sa mga fire marshal.

Dagdag nila, dalawa hanggang tatlong bahay ang apektado ng nasunog na patuloy pang inaalam ang sanhi.

Dinala na umano sa punerarya ang mga labi ng mga biktima. —LBG, GMA News