Tiniketan ang mahigit 50 na tao sa Pasay City dahil nahuling lumalangoy sa Manila Bay.

Ayon sa isang ulat sa "24 Oras" nitong Linggo, marami ang nag-swimming sa Manila Bay, kasama ang ilang bata, dahil tila tag-init na muli ang pakiramdam sa panahon.

Hindi na raw halos nasunod ang social distancing.

Dumating ang mga pulis at kaagad na pinaahon ang mga nagtatampisaw.

Pinagiba rin ng mga awtoridad ang mga make-shift na bahay na tinitirhan ng mga mangingisdang tiga Cavite. —Ma. Angelica Garcia/LBG, GMA News