Namatay na ang isang lalaki na nakitang nakahandusay sa center island sa EDSA, Quezon City.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado, sinabing unang nakita ang lalaki ng isang street sweeper.

Dahil dito, rumesponde na ang mga tauhan ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT), Coast Guard, at ang Quezon City Police District.

Ayon sa QCPD, pinulsuhan ang lalaki pero nang isugod sa ospital, idineklara itong dead on arrival.

Iimbestigahan ng Criminal Investigation and Detection Unit ang insidente. —Jamil Santos/LBG, GMA News