Dumagsa ang maraming pasahero sa mga bus terminal sa Quezon City nitong Linggo matapos mag-Pasko at Bagong Taon sa National Capital Region at mga karatig na lalawigan.

Sa isang bus terminal sa EDSA Cubao ay makikitang maraming mga pasahero ang nakapila para bumili ng tiket, base sa video na kinuha ni Ralph Obina ng Super Radyo dzBB.

Marami rin ang nakatayo o nakaupo habang naghihintay ng mga bus papuntang probinsiya.

Nitong Lunes, Enero 3, ay balik-trabaho ang maraming Pilipino matapos ang regular holidays na Pasko, Rizal Day, at Bagong Taon. —KG, GMA News