Nasabat ng mga awtoridad ang aabot sa P6 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Muntinlupa noong Martes ng gabi.

Nakuha mula sa apat na suspek ang aabot sa isang kilo ng "shabu" na may estimated value na P6M, ayon sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Huwebes.

Dagdag ng ulat, nakumpiska rin mula sa mga suspek ang isang van, apat na cellphone, boodle money, mga ID, at mga dokumento. —LBG, GMA News