Pinusuan online ang isang 16-anyos na babae matapos niyang tulungang manganak ang kanyang ina sa loob ng umaandar na tricycle.

Kwento ni Ashley Carulasan, papaunta na raw sila sa ospital nang hindi na mapigilan ng kanyang buntis ina ang paghilab ng tiyan.

Natakot daw siya, pero mas nangibabaw ang lakas ng loob.

Mabuti nalang umano at naalala niya ang health-related movies nanapanood niya kaya matagumpay niyang napaanak ang kanyang ina.

Dagdag pa ni Ashley, pangarap niya talagang maging doctor balang-araw.

Ligtas na ang kalagayan ng kanyang ina at ang kapatid na si "Baby Sky" sa ospital. —LBG, GMA News