Himas-rehas sa ngayon ang isang negosyante sa Pandacan, Maynila matapos maaresto dahil umano sa agri-smuggling o pag-smuggle ng mga gulay mula sa China.

Kinilala sa ulat sa Unang Balita ang suspek na si Divina Aguilar.

Ayon sa mga awtoridad, taong 2020 nang mabisto ang isang container van mula china.

Idineklara umanong Ukay-Ukay (used clothing) ang laman ng van pero smuggled na carrots pala na nagakakahalaga ng mahigit P1 milyon.

Hindi nagbigay ng pahayag si Aguilar pero sinabi umano nito sa mga pulis na hindi siya ang nag-import ng carrots.

Ginamit lang daw ng isang broker ang pangalan ng kanyang negosyo. —LBG, GMA News