Isang mananaya ang nanalo ng mahigit P71 milyon sa Superlotto 6/49 nitong Martes, Mayo 10, 2022.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na walang kahati sa P71,360,581.00 na premyo ang mapalad na nanalo, na nakuha ang winning combination na 44-05-17-48-13-43.

Samantala, wala namang tumama sa kasabay nitong draw na Lotto 6/42. Ang lumabas na mga numero ay 07-13-18-02-28-37, at may jackpot prize na P8,509,629.80.

Wala ring tumama sa isa pang draw na Ultra Lotto 6/58, na umabot naman ang premyo sa P73,122,256.00. Ang winning numbers ay 46-29-10-38-48-56. — FRJ/KG, GMA News