Agad namatay ang dalawang baka sa Laoag, Ilocos Norte nang tamaan sila ng kidlat.

Kuwento ng may-ari, tinamaan ng kidlat ang mga baka habang nakasilong ang mga ito sa ilalim ng puno, ayon sa ulat ni Corinne Catibayan sa Unang Balita ng GMA News nitong Miyerkoles.

Bigla na lang daw natumba ang dalawang baka matapos ang pagkidlat.

Kinatay na lang ng may-ari ang dalawang baka para mapakinabangan. —KG, GMA News