Solong napanalunan ng isang mananaya ang mahigit P72 milyong premyo sa Megalotto 6/45 draw nitong Lunes ng gabi, Agosto 22, 2022.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na isa lang ang nakatama sa mga lumabas na numero sa 6/45 draw na 20-33-30-10-08-34.

Mayroon itong kabuuang premyo na P72,205,456.80.

Samantala, wala namang tumama sa kasabay nitong draw na Grand Lotto 6/55, na ang lumabas na kombinasyon ng mga numero ay 01-40-33-24-30-45.

Umabot na ang premyo nito sa halagang P90,620,159.40.--FRJ, GMA News