Tatlo ang patay, 15 nawawala, at 14 sugatan sa pagbagsak ng isang tulay sa Brazil.

Sa ulat ng Unang Balita, tatlo ang kumpirmadong patay sa pagbagsak ng tulay sa Lungsod ng Careiro, mga 100 kilometro mula sa Manaus, ang provincial capital.

Dagdag ng ulat 15 pa ang nawawala at 14 ang sugatan.

Lahat ng mga biktima ay sakay ng kanilang mga sasakyan nang bumigay ang tulay.

Ayon sa local media, may mga saksi umanong nagsabing may bitak ang tulay na nagdulot ng matingding traffic bago mangyari ang insidente.

Wala pa umanong pahayag ang kanilang gobyerno tungkol sa pangyayari. —LBG, GMA News