Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit 500 piraso ng ecstasy tablets sa Parañaque City.

Sa Ulat ng Unang Balita nitong Miyerkules, sinabing aabot sa PTinatayang mahigit P858,500.00  ang halaga ng nasabat na ecstasy.

Galing umano sa The Netherlands ang package na ideneklarang "beads in a bottle."

Arestado ang kumuha ng package na hindi pa nagbigay ng pahayag. —LBG, GMA News